Hanapan ang Blog na Ito

Lunes, Mayo 16, 2011

ANG AKING KAIBIGAN

Sa buhay kailangan ng kaibigan
Tuany,tapat at maaasahan,
Hindi sumusuko kahit anong pagdaanan
Pagkat taning sekreto ay mabuting kalooban.

Dyan magaling ang aking kaibigan
Na ang ngalan ay kenn supetran,
May maangas na kagwapohan
Kaya naman pinagkakaguluhan ang mga kabaklaan.

Kahit na patpatin ang katawan
Naku! Wag mo syang susubukan,
Wag mong balakin na sa kanya’y makipaghamunan
Mapapagod ka lang,dahil tatakbuhan ka lang nyan..!

Pero pag dating sa biritan
Hindi ka nyan aatrasan,
Hamunin mo sa pagalingan
Tiyak ika’y uuwing luhaan.

Maraming salamt kaibigan
Dahil kami ay hindi mo iniwan,
Sa lungkot man o tawanan
Laging nandyan,ikay dadamayan.

Biyernes, Mayo 6, 2011

ANUNG BAGO NGAYON?

Makabagong panahon ang tawag ngayon
Tawag ng iba “HIGH TECH” na henerasyon,
Impluwensyang malakas sa’ting kabataan
Dulot ay kasamaan sa’ying isipan

Tulad na mga bagay-bagay sa “INSTANT”
Medaling gawin para sa kabataan,
Lahat na ninanais nilang makamtan
Simpleng makamit ng di pinaghihirapan

Impluwensyang yumurak sa’ting isipan
At pagkawala sa bayantg ginagalawan,
Kabataan nga ba ang may kasalanan?
Sa pagkawala ng pag sang asam?

Pagbabago para sa’ting kakunlaran
Ang magmumula sa bawat mamamayan
Dahil higit na mapapahalagahan,
Na kabataan ang pag-asa ng bayan

Salamat sa Diyos sa kanayang itinakda
Na bigyan tayo ng bayang mapagpala,
Salamat sa lahat ng aming nakamit
Kayo’y biyaya at hulog ng langit!..

Sabado, Marso 26, 2011

Ma’am Carreon

Hindi ka man masyadong famous
Ang arrive mo ma’y somehow disastrous
T ingin ko naman sayo’y fabulous
No wonder you make me feel marvelous

Inside the classroom , masyado kang strict
When you’re discussing mathematics,I ty ry my best not to speak
Coz I want to listen to your firm voice like magic
Which makes me enchanted and slightly weak

Hindi ko man kabisado ang capital ng mundo
At di ko alam ang buong kwento ng EL Filibusterismo
Kung minsan ay napakahirap ng quizzes mo
Basta para sa ‘kin no. 1 ka sa puso ko

Marami mang hate ang subjects mo
Kasi it’s either incomplete sila o mababa ang grado
Isa lang ang napatunayan ko
Ikaw ay isang tagapagturong disiplinado

Kaya nga lang napakahirap mong abutin
Daig mo pa ang napakalayong bituin
Ngunit di ka mawawaglit sa aking paningin
Mananatiling tapat sa paghangang walang panimdim

Ito man ay isa lang kapritso
Hindi ka man maniniwalang ako’ y seryoso
Hindi ka man maniniwalang ako’ y seryoso
Baka sakaling tunay kong damdamin ay iyong mapagtanto

Hello!!!

My name is RUSTOM GONZAGA
My life is spiraling downward,I couldn’t get enough money to go to the Blood Red Romance and suffocate me dry concert.It suck cause they play some of my favorite song like “Stab my heart because I love you”and “Rip apart my soul”and of course “Stabby rip stab stab”and It doesn’t help that I couldn’t get my hair to do that Flippy thing either … like that guy from that band can do…some days…
I’m an EMO kid, non-conforming as can be you’d be non-conforming too if you look just like me. I have paint on my nails and makeup on my face ,I’m almost emo enough to start shaving my legs cause I feel real deep when I’m dressing in drag.I’m dark and sensitive with low self esteem. The way I dress makes everyday feel like Halloween, I have no problems but I like to make believe.my life is just a black abyss…ya know…It’s so dark,and It’s suffocating me.when I get depressed I cut my wrist in every direction , hearing songs about getting dumped gives me an erection ,I write in a live journal and wear thick rimmed glasses. I wear skin tight clothes while hating my life if I said that I like girls I’d only be half right, I look I’m dead dress like a homo!!....I MUST BE EMO…HAHAHA!!....

PANO UMIBIG ANG ISANG MAKATA?

Ang pag-ibig ng makata ay matalinghaga
Kasing lalim ng kinakatha n'yang tula
Kapag nangusap pihong manunuot sa diwa
Pag-iisipan nang husto bago maunawa.

Ang pag-ibig ng makata ay 'di manggang hilaw
Na sa alamang at bagoong isinasawsaw
Hinog na hinog na ito at napakadilaw
Matamis sa panlasa't walang makakasapaw.

Ang pag-ibig ng makata ay abot hanggang langit
Mahirap matanaw kahit titigan mang pilit
Ngunit kasama lang pala at 'di nawawaglit
Pag-ibig niya ay walang katapusang awit.

Makata'y walang tumatagingting na salapi
'Di tulad ng iba yaman ipinamamarali
Ang kaya lang maialay ay tulang hinabi
Ngunit sa puso'y naghahatid ng luwalhati.

Ang damdamin n'ya'y dagat na nag-aalimpuyo
Tila pagsalpok ng alon na ayaw huminto
'Di ito tulad ng ambon na pabugso-bugso
Dumadaan lang sandali sabay maglalaho.

Sa pag-ibig ng makata ikaw'y makakaasa
Matapat ang pagtingin gaya sa kanyang musa
Habambuhay na nasa puso't inaalala
Walang pagkakupas, nagmamahal sa tuwina.

Kung iibig ka rin lang makata ang piliin
'Pagkat mabuti't malinis ang kanyang hangarin
Sa bawat sandali ikaw lang ang iisipin
Ang pag-ibig n'ya sa iyo ay laging papaksain...

WOW MALI

Lumingon ako sa aking kanan at nakita kita nang ‘di inaasahan,
Napangiti ako sabay sabi sa sarili, "Kay bait ng kapalaran!"
Bawat sulyap mo’y katumbas sa ‘ki’y kaligayahan,
Kaligayahang ‘di mapapantayan ng anu man.
Mukha mo’y mala-anghel; ngiti mo’y ginto sa ‘king paningin,
Ika’y isang tanglaw sa mundo kong nakatago sa kulimlim
Puso kong iniirog ka, sana’y iyong dinggin,
Pangalan mo ay nais malaman at sambitin.
Pagkakataon nga naman at tayo ay pagtatabihin pa!
Habang ako’y papalapit sa’yo, kaba ay nadarama,
Dahan-dahan akong naupo at pinigil ang hininga,
"Sa wakas! This is it! Wala nang kokontra!"
Sa ‘di sinasadyang pangyayari, ang bus ay huminto na lang bigla,
Ang paligid ay tumigil at ako’y natulala
Ang aking sinisinta ay katulad ko rin pala,
Isang diyosang hanap ay macho-papa!
Tumili siya at sinabing, "Ayy! Anu ba naman yan!"
"Maghinay-hinay kayo manong nang ‘di ko kayo sabunutan!"
Nadurog ako na tila pinagtapak-tapakan,
Nalaman kong ang aking irog ay ’sang diwata ng kagandahan!

ARAW NG PAGTATAPOS

Araw na ng pagtatapos.
Natanggal na ang tinik sa inyong likod
Ngayong nagmamartsa na patungong entablado
Upang yapusin sa palad ang sertipiko
Ng inyong pagsisikap at paghihirap ng todo.
_
Araw na ng pagtatapos.
Hindi ninyo malilimutan ang hayskul na makulay;
kapag nagsimula nang dumaloy ang luha
Sa inyong pisnging namumutla’t matamlay
Dahil ang pagkakataong ito’y minsan lang sa buhay.
_
Araw na ng pagtatapos.
Parang ayaw niyo nang pagpatuloy ang pag-akyat
Patungo sa lagusan ng pagkamay at palakpak,
Ngunit pipilitin niyo dahil kayo’y may pangarap
na dapat tuparin sa darating na hinaharap.
_
Araw ng pagtatapos.
Ipagpatuloy ninyo ang dapat na matunton.
Ang puting toga, retrato’t sumbrerong kwadrado
Ay hudyat ng bagong yugto sa bagong mundo.
Isang katunayan na di pa talaga nagtatapos.