Hanapan ang Blog na Ito

Sabado, Marso 26, 2011

ARAW NG PAGTATAPOS

Araw na ng pagtatapos.
Natanggal na ang tinik sa inyong likod
Ngayong nagmamartsa na patungong entablado
Upang yapusin sa palad ang sertipiko
Ng inyong pagsisikap at paghihirap ng todo.
_
Araw na ng pagtatapos.
Hindi ninyo malilimutan ang hayskul na makulay;
kapag nagsimula nang dumaloy ang luha
Sa inyong pisnging namumutla’t matamlay
Dahil ang pagkakataong ito’y minsan lang sa buhay.
_
Araw na ng pagtatapos.
Parang ayaw niyo nang pagpatuloy ang pag-akyat
Patungo sa lagusan ng pagkamay at palakpak,
Ngunit pipilitin niyo dahil kayo’y may pangarap
na dapat tuparin sa darating na hinaharap.
_
Araw ng pagtatapos.
Ipagpatuloy ninyo ang dapat na matunton.
Ang puting toga, retrato’t sumbrerong kwadrado
Ay hudyat ng bagong yugto sa bagong mundo.
Isang katunayan na di pa talaga nagtatapos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento