Hanapan ang Blog na Ito

Sabado, Marso 26, 2011

Pantay-pantay nga ba ang tao sa daigdig?

Pantay-pantay nga ba ang tao sa daigdig?
Kung may mayayamang sayo'y umuusig
Mga naisin nila'y laging nanaig
Kahit pa nga tayo ay magkapit-bisig.

Ngunit dika dapat sumuko na lamang
Kahit sabihin pa ika'y isang mang-mang
pagkat sa daigdig ika'y may pakinabang
h'wag lang kalimutan turo ng magulang

dahil sino nga ba ang sadyang mapalad
pag dating ng araw sala'y ilalahad
sa harap ng diyos at ng kanyang alagad
tayong mahihirap o ang mga huwad?

mayaman o dukha isa lang ang buhay
sa paningin ng D'yos tao'y pantay-pantay
sa at pati kanyang buhay ay kanyang inialay
upang maibigay walang hangang buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento