Hanapan ang Blog na Ito

Sabado, Marso 26, 2011

Dilim

Sa dalampasigan ng aking isipan
Namamaybay mga alaala na nagdaan….
Ang sayang dulot ng kahapon,
Ay tuluyang nilimot ng ngayon.
Hirap at pasakit na pinapasan,
Dumudurog sa mura kong katawan;
Mga hinagpis na sa aking dibdib,
Pilat na kailanman ay di maaalis.
Kailangang inasam ng musmos na iniwan,
Sa kanlungan ng iba, doon pa naapuhap.
Nasa’n ka , ikaw na nagbigay ng buhay!
At bakit sa dilim ako’y iyong iniwan?
Kalungkutang nadarama ko’y galit na naipon,
Hinagpis na namamahay, ditto sa aking puso.
Nasa’n ka ngayon , himutok ko’y iyong dinggin!
Huwag ka sanang patahimikin….
Nitong kaluluwang ligalig..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento