Hanapan ang Blog na Ito

Sabado, Marso 26, 2011

ANG KATOTOHANAN

Di man kita madalas na makausap
Ikaw pa rin ang siyang pinapangarap;
Bihira man kung tayo’y laging magkita
Narito ka naman lagi sa g

Araw-araw sa tuwing napag-iisa
hinahangad na sana’y muling makapiling ka;
sa tuwing walang anomang ginagawa,
lagging laman ka ng isip at pandama.

Inaasam ko na maging akin ka,
Kahit na hanggang sa pangarap lang sana;
Mahaplos man lang ang maputi mong mukaha,
Mahawakan ang kamay mong malasutla

Hinahangad kong maging tayong dalawa,
Kahit na sa ilang saglit man lang sana;
Yayakapin kita ng may buong higpit,
Marahan kong sasambitin …mahal kita

Alam kong hindi pa ito ang panahon,
Na ipadama aking nararamdaman;
Ngunit hayaan mong sa tulang ito,m
Mabatid mo , na iniibig kita!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento