Lumingon ako sa aking kanan at nakita kita nang ‘di inaasahan,
Napangiti ako sabay sabi sa sarili, "Kay bait ng kapalaran!"
Bawat sulyap mo’y katumbas sa ‘ki’y kaligayahan,
Kaligayahang ‘di mapapantayan ng anu man.
Mukha mo’y mala-anghel; ngiti mo’y ginto sa ‘king paningin,
Ika’y isang tanglaw sa mundo kong nakatago sa kulimlim
Puso kong iniirog ka, sana’y iyong dinggin,
Pangalan mo ay nais malaman at sambitin.
Pagkakataon nga naman at tayo ay pagtatabihin pa!
Habang ako’y papalapit sa’yo, kaba ay nadarama,
Dahan-dahan akong naupo at pinigil ang hininga,
"Sa wakas! This is it! Wala nang kokontra!"
Sa ‘di sinasadyang pangyayari, ang bus ay huminto na lang bigla,
Ang paligid ay tumigil at ako’y natulala
Ang aking sinisinta ay katulad ko rin pala,
Isang diyosang hanap ay macho-papa!
Tumili siya at sinabing, "Ayy! Anu ba naman yan!"
"Maghinay-hinay kayo manong nang ‘di ko kayo sabunutan!"
Nadurog ako na tila pinagtapak-tapakan,
Nalaman kong ang aking irog ay ’sang diwata ng kagandahan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento