Nagsimula ang lahat nung 3rd year
Isang barkadang nabuo sa III-Shakespeare
Sa kalokohan at sa tuksuhan
Hindi maawat sa pagtatawanan
Sa lahat ng problema’y handang magtulungan
Nagdadamayan hanggang magdamagan
Problema sa babae,pera O kahit sa MATH pa yan !
Laging nandyan pag nangangailangan
Di nga ang bilis lumilpas ng panahon
Ang dami nyo na nga’ng naging karelasyon
May nagkatuluyan sa text O di kaya sa phone
Kaya hanggang ngayon sila pa ay mag –on!(hahaha)
Oras –oras aking ginugunita ang pagtugtug ni jojo ng gitara
Ang pagsulat ni Marvin ng mga pambobola
Ang paggawa ni Elvis ng Takdang aralin sa asignatura
Ang pagsayaw ni Ernest kasama ang barkada
Ang pagbirit ni Kenn ng malulupit na kanta
Ang mga corning jokes ni Lourence sa mga magagandang dalaga
Ang pagsulat ko ng kalokohang tula
At higit sa lahat,ang guro naming mala dyosa ang ganda!...
Kahit tayo ngayon ay 4th year na
Hindi pa rin malilimutan ang bawat isa
Pagsasamahang pinagbuklod ng iisang diwa
Pagkakaibigang singkinang ng tala!
Itong huling taon ng ating kwento
Ito’y singhaba pa ng EL Filibusterismo
Marami pa tayong magagawang kalokohan dito!
Wag lang ang pagbaba ng ating mga grado.
Lab yu friends, madalang man nating masambit
Ngunit sa puso’t isipan natin…habang buhay ng nakaukit
Salamat sa masasayang alaala na ating nakamit
Kayo’y tunay na biyaya at hulog ng langit!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento