Marami akong natutunan mula kay Ma’am Ces Kahit minsan bagsak sa kanyang mga test Unang –una siya ay magaling dumisiplina Sa tingin pa lamang ay dapat kang makuha Kundi’y siguradong sa puwit may tama ka
Lumaking mababait kanyang mga anak Dahil rin sa disiplinang kanyang pinalasap Ito’y mabagsik ngunit may pagmamahal At kami’y nag 4th year ng may magagandang asal
Pagmamahal sa pamilya ang palaging nangungunna Kahit dukdok sa trabaho lagi saying Masaya Sa klase nagtatawana ng sama-sama At pag di ka nakisali…sori..OP ka !
Kami’y tinuruan sa pawis ng kanyang bisig At makakapagtapos sa kursong aming ibig !!!.. Lab yu Ma’am…madalang man naming masambit Ngunit sa puso’y isipan namin…habang buhay ng nakaukit.
Salamat sa Diyos sa kanyang itinakda Na bigyan kami ng gurong mapagpala, Ang inaning tagumpay, sa kanya nagmula Isang gurong mapagkalinga,ay tunay na dakila....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento