Hanapan ang Blog na Ito

Sabado, Marso 26, 2011

Bilog

Sa bawat sulok ng bilog na kapalaran,
Nakakubli ang himayma na ating kinabukasan
Anong pilit mang kumawala sa bawat bakas
Ay parang bilog na ayaw magpaalpas

Saan patungo ang bilog na kapalaran
Sa dilim ng liwanag ban a inaayawan?
Saang sulok ng bilog akoy nakatalaga,
Sa ibabaw ng tagumpay, o sa ilalim ng pagkadusta?

Kay hirap arukin ng bilog na kapalaran
Umuukit sa isip mga bawat kaganapanp;
Kay sarap isipin na dulot ay kasiyahan,
Sa bawat paginog na bilog na kapalaran…

Ngunit sa pag-usad nitong bilog na kapalaran
Ito’y lumalapit sa tiyak na hangganan:
Malao’t mararating nakatalagang hantungan,
Sa kwadrado ng buhay , doon mahihimlay……

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento