Hanapan ang Blog na Ito

Sabado, Marso 26, 2011

Akala

Akala ko ang masarap ang magmahal
Sa bawat araw kaligayahan ang nalalasap.
Akala ko ang magmahal ay Masaya,
Na ikaw at ako sa lahat ay Malaya.
Akala ko ikaw na nga ang kasagutan,
Sa mga gabi ng aking kalungkutan.

Ngunit isa lamang palang pagkakamali,
Nararamdaman dapat pala’y ikinubli.
Kung alam ko lang na ito ang kahihinatnan,
Di ko na lang sana sinabi ang nararamdaman.
Sana ako ngayo’y hindi nasasaktan ng ganito,
Ang puso’t isip ko sana’y di nalilito.

Ganito ba kasakit ang magmahal?
Ako ba’y sa kaniya’y nagpakahangal?
Mali bang sa kanya’y ipagtapat?
Nararamdaman ng puso ko’t lahat?
Puso ba nya’y sadyang manhid O bato?
Bakit nais kong iparating di maipagtanto?

Lahat pala ng akala ko ay mali,
Ang umibig pala’y di ganun kadali.
Bakit pa kasi siya ang nais kong mahalin?
Kung hindi rin pala sya iibig sa’kin.
Napakadaya naman ng aking kapalaran.
Bakit sa pag-ibig ako’y pinagdamutan?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento