Ang magtanim ay hindi basta- basta
Ang kailangan ay meron kang disiplina
Sa kapwa’y magaling makisama
At marunong magpasensya
Bawal ang kukupad-kupad dito
Dapat sa Gawain ay laging alisto
Nang hindi ka malasin,
At sa kangkungan ikaw ay pulutin
Kaya wag nyo kaming maliitin
Pagkat kami ang umaani ng inyong kinakain,
Mga masusustansyang prutas at gulay
Na ang maykapal ang syang nagbigay
Hindi lang sa pagbubungkal ng lupa kami magaling
Kundi sa pagkanta at pati rin sa paggiling
Eto ang ekreto namin,
Sa isang masaganang pananim.
Salamat sa diyos,sa kanyang itinakda
Na kami’y magkaroon ng pananim na mapagpala
Salamat sa masasaganang ani na aming nakamit
Eto’y biyaya at hulog ng langit!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento