Kung ang lahat ng tao ay gaya nya
Tapat at mapagmahal sa kanyang kapwa
May busilak na kalooban,
At mala DYOSANG kagandahan!
Ang natatangi at walang iba
Kundi ang Dyosang si diwata!
Na pag iyong nakita
Siguradong ika’y manghihina!
Sa tuwing kami ay may problema
Sa paralan,kaibigan O kahit sa pamilya
Sya ang tumatayo naming Ina
Na itinatama mga mali naming nagawa!
Hindi ko man kabisado ang capital ng mundo
At di ko alam ang buong kwento ng EL Filibusterismo
Kung minsan ay pinapagalitan mo ako
Basta para sa ‘kin pa rin no. 1 ka sa puso ko
Marami mang hate sa gaya mo
Kasi maraming utang sayo
Isa lang ang napatunayan ko
Ikaw ay isang tagapagturong disiplinado
Kaya nga lang napakahirap mong abutin
Daig mo pa ang napakalayong bituin
Ngunit di ka mawawaglit sa aking paningin
Mananatiling tapat sa paghangang walang panimdim
Salamat sa Diyos sa kanyang itinakda
Na kami ay magkaroon ng isang Diwata
Salamat sa masasayang alala na aming nakamit
Ikaw ay biyaya ay hulog ng langit!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento