Minsan si pedro’y naakusahan
Na nagnakaw ng palay na isang kaban
Hindi makapaniwala sa bintang nila;
Walang masabi kundi ‘’ano po, ewan ko nga’’
‘’Ano po,ano po’’, sagot ng batang makulit
Sa kanyang inang nagagalit.
Gustong gusto mangatwiran,sa ginawang kapilyuhan
Walang magawa ,kundi mamilipit sa sakit ng pingot na natikaman
‘’ ano po, ano po..’’ paliwanag ng mamang dinakip
Sa pulis na sa tiyang malaki uniporme’y nanikip
Batuta ang sumagot sa mamang namaluktot,
Di na napangatwiranan ang krimeng sa pagkatao’y isinapot
‘’ano po, ano po’’katuwiran ng manggagawa,
Na di na makatiis sa hirap na binabata
Karampot na pasahod ay inipit-ipit pa,
Mamamatay ka nang dilat ang iyong mata.
‘’ano po, ano po’’..paliwanag ng propesor ,
Umaasang maunawaan ng galit na director
Kasi nga’y pinakisamahan ang estudyanteng paraluman
Gayong alam niyang bawal sa kanilang patakaran
Ang tao’y mahilig mangatwiran,
Sa mga bagay sa nagugustuhan
Ngunit di naman mapanindigan
Ang mga sinasabi’t isinasangkalan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento