Hanapan ang Blog na Ito

Sabado, Marso 26, 2011

LIBOG SA PAGSULAT

Nagsimula sa isang libog, libog sa pagsulat
Dinukot ko ang matigas, matulis na panulat
At banayad na hinagod ng kamay
At nagpantasya ng buong husay
Nagseseksihang pigura ng mag letra
Ay pilit na binubuo sa aking gunita
Upang di na muling maampat ang hagod ng panulat
Maya-maya ang hagod ay bumibilis
Kamay na nga ay nangangawit ng labis
Ang tangan- tangan kong matulis
Ngayo’y punong-puno na ito ng pawis
Nilabasan na! ang bollpen ko kanina pa
Simula ng isulat ko itong tula
Pero parang ayaw ko nang tigilan pa
Pagkat kay sarap palang malibugan sa pagsulat ng tula

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento