Hay nakakatamad tumayo sa aking hinihigaan
Ayaw ko pang maligo’t mag-unat ng katawan
Ang gusto ko’y dito lang saking tulugan
At magigising pag tinawag na para sa hapunan.
Hindi naman ako tamad na tao
Tinamaan lang talaga ng sakit ko
Bakit kasi ngayon pa
Kung kalian may pasok na.
Pilit ko mang bumangon
Hindi ko na magawa ngayon
Kanina kayang-kaya ko pa
Bakit ngayon ay hindi na
Simula ng isulat ko tong tula
Ako’y inaantok na
Ang ganda ngayong umaga
Pero ako ,parang walang pag-asa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento